Ipinahayag Marso 20, 2018, ni Li Keqiang, Premyer ng Tsina na walang balak na maghari-harian at magpalawak ng saklaw ang Tsina. Sa halip, nakapokus aniya ang Tsina sa mga suliraning panloob ng bansa. Tumatahak ang Tsina sa landas ng mayapang pag-unlad, dagdag ni Li.
Sinabi ni Li na ang Tsina ay isang umuunlad na bansa, at nakahanda itong magpalalim ng relasyon sa iba't ibang bansa batay sa paggagalangan sa isa't isa, pagkakapantay-pantay, at mutuwal na kapakinabangan. Nais din aniya ng Tsina na itatag ang Community of Shared Future for Mankind.
salin:Lele