Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga mamamahayag, ipinahayag Marso 20, 2018, ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina na ang pag-unlad ng bansa nitong 40 taong nakalipas ay dahil sa patakaran ng pagbubukas sa labas. Aniya, ang pagbubukas ay nagiging saligang estratehiya ng Tsina. Patuloy na pangangalagaan ng Tsina ang malayang kalakalan at ibayo pang palalawakin ang pagbubukas, dagdag pa ni Li.
Sinabi ni Li na ibayo pang pabababain ang taripa ng pag-aangkat. Pero, binigyan-diin din niyang ang pagbubukas ay mutuwal, at kailangan itong suklian ng katulad na aksyon ng ibang bansa.
salin:Lele