MAY pag-asa pa ang mga manggagawa, partikular ang mga kabilang sa Federation of Free Workers, Trade Union Congress of the Philippines, Kilusang Mayo Uno at iba pa na patotohanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangakong wawakasan ang kontratualisasyon ng mga manggagawa, tulad ng pagkakaroon ng tiglilimang buwang trabaho ng mga kawani sa iba't ibang kumpanya.
Ito ang sinabi ni Atty. Allan Montaño, tagapagsalita ng mga manggagawa sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kanina. Hindi pa naman natatapos ang buwan ng Marso kaya't malaki ang posibilidad na malagdaan ni Pangulong Duterte ang executive order na napagkasunduan ng mga manggagawa at Department of Labor and Employment sa ilalim ni Secretary Silvestre Bello III.
GINAGAWAGA NG PAMAHALAAN ANG LAHAT. Tiniyak ni Undersecretary Joel Maglunsod na kumikilos ang pamahalaan upang matapos na ang kontraktuwalisasyon sapagkat budord sa pangako nya ito noon pa man, naniniwala ang pangulo na karapatan ng mga manggagawa ang maayos na kalagayan. (Melo M. Acuna)
Sa panig ni Undersecretary for Labor Relations Joel Maglunsod, sinabi niyang magkakaroon ng hanggang sa Miyerkoles santo upang matapos ang pinakaaabangang executive order ng mga manggagawa.
Maliwanag umano ang pangako ni Pangulong Duterte na wawakasan ang kontrakuwalisasyon sa pinakamadaling panahon.