INIREKOMENDA ng Senado ng Pilipinas na kasuhan ng plunder, graft and corruption at direct bribery sina dating Deputy Immigration Commissioners Al Argosino at Michael Robles sanhi ng pangingikil ng P 50 milyon noong 2016.
Sa plenaryo ng Senado kanina, ipinasa ang ulat at rekomendasyon ng blue ribbon committee na nagtapos na ng pagsisiyasat sa pangyayari.
Naisumite na ng komite ang kanilang ulat noong Disyembre ng 2017 at kanina lamang naibalita sa plenaryo.
Inakusahan sina Argosino at Robles ng pagtanggap ng P 50 milyon mula sa retiradong pulis na si Wally Sombero na tagapamitan umano ng mayamang may mga casinong si Jack Lam. Ang salapi ay sa pagpapalaya sa may 1,316 na Tsino na dinakip sa pagsalakay sa casino ni Lam sa Pampanga.
Ani Senador Richard Gordon, dapat kasuhan din ng plunder si Sombero at Intelligence Officer Charles Calima ng direct bribery at kailangang papagpaliwanagin si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kung bakit siya pumayag na makipag-usap kina Sombero at Lam.