Mula noong ika-24 ng Marso hanggang ika-29 ng Marso, dumadalaw sa China-Malaysia Qinzhou Industrial Park ang mga kinatawan ng 38 Chinese media mula sa Malaysia, Pilipinas, Thailand at Hong Kong, Macao at Taiwan ng Tsina.
Isinalaysay ni Ren Lanjie, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Pangangasiwa, ang mga gawain ng parke sa mga aspektong gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, pag-aakit ng mga mangangalakal, pandaigdigang kooperasyon sa production capacity, pagtatatag ng transnational industrial chain at iba pa. Ayon sa salaysay, hanggang sa kasalukuyan, mahigit 90 proyektong industriyal ang ipinasok sa nasabing industrial park, kasama ang ilan pang pinag-uusapan, halos 90 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pamumuhunan, at tinayang lalampas sa 100 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng produksyon.
Salin: Vera