Ipinahayag Marso 29, 2018 sa Beijing ni Ren Guoqiang, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na ang pagpapasulong ng matatag at malusog na pagtutulungan ng hukbong Tsino at Amerikano ay hindi lamang angkop sa interes ng Tsina at Amerika, kundi komong mithiin din ng komunidad ng daigdig.
Winika ito ni Ren nang sagutin niya ang mga tanong ng mamamahayag hinggil sa pagpapasulong ng hukbong pandagat ng Amerika ng umano'y "malayang paglalayag" sa South China Sea.
Ani Ren, pinatutunayan ng situwasyon sa kasaysayan at kasalukuyan na ang pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang hukbo ay hindi lamang mababatay sa komong interes sa kasalukuyan, kundi maging sa pangmatagalang interes sa hinaharap. Umaasa aniya ang Tsina na magsisikap, kasama ng Amerika para positibong pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang hukbo. Dagdag pa niya, ito ay para ibayong patibayin ang pagtutulungan ng dalawang bansa.