Beijing, Tsina—Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagpapalalim ng integrasyong militar-sibilyan para magkaloob ng kasiglahan sa pagsasakatuparan ng Chinese Dream. Si Xi ay nagsisilbi ring tagapangulo ng Central Military Commission.
Sa kanyang pakikilahok Lunes, Marso 12, 2018 sa pulong plenaryo ng delegasyon ng People's Liberation Army (PLA) at armadong pulisya, sa idinaraos na sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, hinimok din ni Xi ang koordinadong inobasyong pansiyensiya't penteknolohiya sa mga sektor na militar at sibilyan.
Si Pangulong Xi habang nakikipagkamay sa mga deputado mula sa PLA at armadong pulisya, bago lumahok sa pulong na plenaryo ng mga ito, sa idinaraos na sesyon ng NPC, sa Beijing, Tsina, Marso 12, 2018. (Xinhua/Li Gang)
Salin: Jade
Pulido: Mac