|
||||||||
|
||
Kaugnay nito, sinabi Marso 8, 2018, ni Lieutenant-General He Lei, Pangalawang Puno ng Akademiya ng Siyensyang Militar ng People's Liberation Army (PLA), na ang nasabing proporsyon ay mas mababa sa karaniwang lebel ng mga bansa sa daigdig na umaabot sa 2.4% o 2.5%. Kapuwa mahigit sa 3% ang proporsyon ng budget na pandepensa sa GDP ng Estados Unidos at Rusya. Ayon naman sa kahilingan ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), hindi dapat maging mas mababa sa 2% ang proprosyon ng gastos na pendepensa sa GDP ng mga miyembro nito. Nitong ilang taong nakalipas, humigit-kumulang 1.3% lamang ang nabanggit na proporsyon ng Tsina.
Kasalukuyang idinaraos ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina. Si Lieutenant-General He ay deputado ng NPC.
Si Lieutenant-General He Lei
Tinukoy ni He na pagdating sa taunang paglaki, ang nasabing 1.1 trilyong yuan na budget ay mas mataas ng 8.1% kumpara noong 2017, pero, nananatiling mababa ang proporsyon nito sa GDP kumpara sa karaniwang lebel na pandaigdig. Idinagdag pa niyang 82 libong US dollar lamang ang karaniwang budget na pandepensa ng bawat kawal ng Tsina, samantala, 200 libo US dollar ang karaniwang budget na pandepensa ng bawat kawal ng Hapon at 510 libo US dollar ang halaga para sa Estados Unidos.
Binigyang-diin din ni He na transparent ang gastos na pandepensa ng Tsina. Simula noong 2007, isinumite ng Tsina sa United Nations ang taunang ulat hinggil sa gastos militar ng bansa. Inulit ni He ang paninindigan ng pamahalaang Tsino na hindi kailanman magsasagawa ang Tsina ng hegemonismo at arms race.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |