Ngayong araw, Abril 1, 2018, ay unang anibersaryo ng pagkakatatag ng Xiong'an New Area sa probinsyang Hebei ng Tsina. Ayon sa kahilingang iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, noong isang taon, natamo nito ang kapansin-pansing progreso sa mga aspektong gaya ng malalaking proyekto, pamumuhay ng mga mamamayan, at paghahanap-buhay.
Noong unang araw ng Abril, 2017, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong'an New Area. Saklaw nito ang tatlong bayang kinabibilangan ng Xiong, Rongcheng, Anxin, at bahaging rehiyong nakapaligid dito. Ito ay nasa sentro ng Beijing, Tianjin, at Baoding.
Ayon sa plano ng pamahalaang Tsino, itinatatag sa Xiong'an New Area ang ilang platapormang mapanlikha sa antas ng estado, at itinatatag din ang makatwirang kayariang panlunsod. Sa kasalukuyan, mahigit isang daang high-tech enterprises na tulad ng Alibaba, at Baidu, ay nagtatakbo ng kanilang negosyo sa Xiong'an New Area.
Bukod dito, sapul nang maitatag ang Xiong'an New Area, maayos ding nilulutas nito ang mga pragmatikong problemang gaya ng pabahay, at paghahanap-buhay ng mga mamamayan.
Salin: Li Feng