Ipinadala kahapon, Huwebes, ika-12 ng Abril 2018, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensaheng pambati sa pormal na pagsisimula ng 2018 Taon ng Inobasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Binigyang-diin ni Li ang kahalagahan ng inobasyon para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Dagdag niya, ang pagpapasulong sa inobasyon ay bahagi ng kasalukuyang estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina.
Sinabi rin ni Li, na ang pagpapalalim ng Tsina at ASEAN ng kooperasyon sa inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya ay makakatulong sa pagharap ng dalawang panig sa mga hamong pandaigdig, at pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad. Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng Tsina at ASEAN ang taon ng inobasyon, para pataasin ang lebel ng kooperasyon sa inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya. Ito ay magbibigay ng bagong sigla sa kooperasyong Sino-ASEAN at rehiyonal na pag-unlad ng Silangang Asya, dagdag pa ni Li.
Nang arwa ring iyon, nagpadala rin ng mensaheng pambati sa pagsisimula ng Taon ng Inobasyon ng Tsina at ASEAN, si Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN.
Salin: Liu Kai