Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Simposyum bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng partnership ng Tsina at ASEAN, ginanap sa Nanning

(GMT+08:00) 2018-03-29 12:07:22       CRI

Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Ginanap dito Miyerkules, Marso 28, 2018 ang simposyum bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehiko't kooperatibong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Kalahok dito ang halos 200 opisyal ng mga kalahok na pamahalaan, dalubhasa ng think tank, at kinatawan ng mga samahang komersyal mula sa Tsina at mga bansang ASEAN.

Malalimang tinalakay ng mga kalahok ang mga paksang gaya ng kanilang mga karanasan nitong nakalipas na 15 taon, sapul nang itatag ang estratehiko't kooperatibong partnership ng Tsina at ASEAN, paglikha ng bagong kayarian ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan, paggamit ng inobatibong bagong pagkakataon ng kooperasyon, paglikha ng bagong kayarian ng pagpapalitang pantao at pangkultura, at iba pa.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Center, na noong nagdaang 15 taon, nabuo ang komprehensibong kayarian ng kooperasyon ng dalawang panig na may iba't ibang antas at malawakang larangan. Ito rin aniya ay may kapansin-pansing natamong bunga. Aniya pa, noong 2017, umabot sa 514.8 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN, halos 50 milyong person-time ang bilang ng pagpapalitan ng tauhan, at lampas sa 200 libong person-time ang bilang ng mga ipinadalang estudyante ng kapuwa panig sa isa't isa. Sa kasalukuyan, aktibong ipinapatupad ng kapuwa panig ang pag-a-upgrade ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), at ito ay hindi lamang makakatulong sa sariling pag-unlad ng Tsina at ASEAN, kundi makakapagbigay rin ng ambag para sa mapayapang pag-unlad at kasaganaan ng kabuhayan ng rehiyong ito, dagdag pa ni Yang.

Ipinalalagay naman ni Loh Ka Leung, Embahador ng Singapore sa Tsina, na habang pinaplano ng ASEAN ang blueprint ng pag-unlad sa darating na 50 taon, dapat panatilihin ang bukas at inklusibong pakikitungo, at palakasin ang relasyon sa iba't ibang partner. Aniya, ang Tsina at ASEAN ay pinakamalaking trade partner sa kasalukuyan, at napakalaki ng espasyo ng pagpapalalim ng kooperasyon ng magkabilang panig. Ang taong 2018 ay taon ng inobasyon ng Tsina at ASEAN, kaya iminungkahi niyang palakasin ng iba't ibang bansa ng ASEAN ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng siyensiya't teknolohiyang pinansyal, network marketing, smart city at iba pa, at makibahagi sa matagumpay na karansan ng Tsina sa pagpapaunlad ng digital economy.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>