HIGIT sa 3,200 mga batang nakatanggap ng bakuna laban sa dengue ay nadala sa mga pagamutan sa iba't ibang karamdaman mula noong nakalipas na Marso 2016.
Idinagdag ng Department of Health na 98% ng mga 3,281 pasyente mula noong Marso ng 2016 hanggang Marso ng 2018 ay napauwi rin kaagad.
Higit sa 3,200 na mga nabakunahan ang ginamot sa iba't ibang ospital, pribado man o pangpubliko. Ginastusan ng PhiliHealth ang mga pasyente. Nakapaglabas na ng higit sa P 17 milyon bilang financial assistance sa mga nabakunahan ng Dengvaxia sa National Capital R at Cebu.
Idinagdag ng Department of Health na mahalagang magpagamot kaagad sa oras na magkaroon ng senyal at sintomas upang maiwasan ang iba't ibang komplikasyon.