SINABI ng National Privacy Commission (NPC) na magsisiyasat sila sa mga pangyayaring bumabalot sa Facebook matapos lumabas ang kontrobersya sa Cambridge Analytica sa pangambang ang datos ng milyun-milyong mga Filipino ang naibahagi sa ibang mga gumagamit nito.
Ayon sa isang pahayag, sinabi ng NPC na magsisiyasat sila upang mabatid ang mga gagawin ng Facebook. May liham na ang NPC kay Facebook CEO Mark Zuckerberg maapos aminin ng Facebook na nagkaroon nga ng problema. Pinagsusumite nila ang Facebook ng mga dokumento upang mabatid ang lawak ng problema.
Nilagdaan ang liham ng NPC ni Commissioner Raymund Enriquez Liboro at Deputy Commissioner Ivy Patdu at Leandro Aguirre.