Sa kanyang paglahok sa 2018 Development Bank of Singapore (DBS) Asian Insights Conference na idinaos sa Shanghai, Tsina, ipinahayag Abril 12, 2018, ni Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore na ang konektibidad ng serbisyong pinansyal ay nagiging isang mahalagang larangan ng kooperasyon ng Tsina at Singapore, lubos na kumakatig ang Singapore sa internationalization ng RMB.
Aniya, ang mga proyektong pangkooperasyon ng Singapore at Tsina ay lumilikha ng mas maraming pagkakataon para sa mga bahay-kalakal ng dalawang bansa at Asya. Sa kasalukuyan, ang mga bahay-kalakal ng Singapore ay nakatalaga sa halos iba't ibang lugar ng Tsina. Ang Tsina ay naging pinakamalaking partner ng kalakalan at pinakamalaking bansang pinagmulan ng mga turista ng Singapore, at ang Singapore ay naging pinakamalaking bansang pinagmulan ng pamumuhunan sa Tsina at isa sa mga pinakamalaking offshore RMB clearing center ng RMB.
salin:Lele