BEIJING—Nagtagpo ika-8 ng Abril, 2018 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Vivian Balakrishnan, Ministrong Panlabas ng Singapore.
Ipinahayag ni Wang na dapat magkasamang harapin ng dalawang panig ang problema ng trade protectionism, at pangalagaan ang sistemang pangkalakalan ng daigdig na siya ring nukleo ng World Trade Organization (WTO). Iminungkahi niyang palalimin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road" initiative, at palakasin ang bilateral na relasyon at kooperasyong panrehiyon, para maisakatuparan ang win-win situation na may mutuwal na kapakinabangan at komong pag-unlad.
Sinabi naman ni Balakrishnan na tinututulan ng Singapore ang trade protectionism. Umaasa aniya ang Singapore na pangangalagaan ang sistema ng malayang kalakalan ng daigdig, at pasusulungin ang pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig sa mas bukas na kapaligiran.
salin:Lele