Martes, Marso 20, 2018, iniharap ni Hong Xiaoyong, bagong Embahador ng Tsina sa Singapore, ang kopya ng kredensyal kay Ong Siew Gay, Direktor ng Protocol Department ng Ministri ng mga Suliraning Panlabas ng Singapore.
Pinasalamatan ni Hong ang ibinigay na ginhawa ng panig Singaporean para sa kanyang panunungkulan. Aniya, nasa bagong historical starting point ang relasyong Sino-Singaporean, at ikinararangal niya ang panunungkulan bilang embahador sa Singapore, sa ganitong mahalagang panahon. Lubos na pinahahalagahan aniya ng panig Tsino ang pag-unlad ng relasyong Sino-Singaporean. "Nakahanda akong magsikap, kasama ng panig Singaporean, para mapasulong ang walang humpay na pag-unlad ng mapagkaibigang kooperasyon ng dalawang bansa," dagdag pa ni Hong.
Sa ngalan ng kanyang ministri, winewelkam ni Ong ang panunungkulan ni Hong bilang bagong embahador. Nakahanda aniya ang Singapore na aktibong magkaloob ng ginhawa at pagkatig para sa pagsasabalikat ni Hong ng kanyang tungkulin.
Nanumpa sa tungkulin si Hong noong ika-15 ng Marso.
Salin: Vera