|
||||||||
|
||
Sa kanyang pagdalo kamakailan sa Ika-6 na Angkor Songkran Festival sa Siem Reap, sinabi ni Thong Khon, Ministro ng Turismo ng Cambodia, na nitong ilang taong nakalipas, lumalaki ang bilang ng mga turistang Tsino sa Cambodia. Aniya, umaasa ang Cambodia na mamumuhunan ang mas maraming mangangalakal na Tsino sa Siem Reap, Phnom Penh, at iba pang lugar upang tulungan ang bansa sa pagpapabuti ng kapaligirang panturista at maakit ang mas maraming turistang Tsino.
Ayon kay Thong Khon, sapul nang pumasok ang taong ito, mahigit isang milyong person-time na turistang dayuhan ang tinanggap ng Cambodia. Ito aniya ay mas malaki ng 12% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Bilang pangunahing bansang pinagmumulan ng turista, noong isang taon, mahigit 1.2 milyong person-time na turistang Tsino ang naglakbay sa Cambodia, dagdag pa niya.
Sa aspekto ng komunikasyon, ngayo'y halos 270 flight na kinabibilangan ng regular flight at chartered flight kada linggo ang lumilipad sa pagitan ng Cambodia at malalaking lunsod ng Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |