|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng Ministri ng Turismo ng Cambodia, noong isang taon, nakatanggap ang Cambodia ng mahigit isang milyong person-time na turistang Tsino. Ito ay mas malaki ng 45% kumpara sa taong 2016.
Anang ulat, ang Tsina ay pinakamalaking bansang pinagmumulan ng turista ng Cambodia. Ito ay nakalikha ng 620 libong pagkakataon ng direktang hanap-buhay para sa Cambodia, dagdag ng ulat.
Ipinahayag ni Thong Khon, Ministro ng Turismo ng Cambodia, na itinuturing ng kanyang bansa ang Tsina bilang mahalagang pamilihan ng pinagmumulan ng mga dayuhang turista. Umaasa aniya siyang sa taong 2020, makakatanggap ang kanyang bansa ng di-kukulangin sa dalawang milyong person-time na turistang Tsino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |