Ayon sa estadistikang isinapubliko ng Ministri ng Turismo ng Kambodya, noong unang kuwarter ng taong ito, tinanggap ng bansa ang 1.5 milyong person-time na turistang dayuhan, at ito ay lumaki ng 12% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Ang Tsina ay nananatili pa ring pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga turista sa Kambodya.
Ayon pa rin sa estadistika, mula noong nagdaang Enero hanggang Pebrero, tinanggap ng Kambodya ang mahigit 170 libong person-time na turistang Tsino, at ito ay lumaki ng 16.7% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Lampas naman sa 140 libo at 100 libong person-time ang bilang ng mga manlalakbay ng Biyetnam at Timog Korea.
Sinabi ng naturang ministri na sa kasalukuyang taon, binabalak nitong tanggapin ang 5.4 na milyong person-time na turistang dayuhan. Sa taong 2020, ang bilang na ito ay lalaki sa 7 milyong person-time, kasama ng 5 bilyong dolyares na foreign exchange tourism revenue, anito pa.
Ayon sa "Estratehiya ng Paghikayat ng Turitang Tsino mula Taong 2016 Hanggang 2020" at Whitepaper na pinamagatang "ChinaReady" na inilabas ng Kambodya, sa taong 2020, pinaplano nitong hikayatin ang 2 milyong turistang Tsino.
Salin: Vera