Beijing, Tsina-Ipinahayag ngayong araw, Abril, 17, 2018, ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na patuloy na susubaybayan ng bansa ang hinggil sa limitasyon ng Kagawaran ng Komersyo ng Estados Unidos laban sa ZTE Corp., kilalang telecom equipment maker ng Tsina. Nakahanda aniya ang Tsina na magsagawa ng katubong hakbangin para maprotektahan ang legal na interes ng nasabing bahay-kalakal na Tsino.
Ilang oras nauna rito, ipinatalastas ng nasabing kagawarang Amerikano ang pagkakabisa ng pagtanggi sa pribilehiyo ng pagluluwas laban sa ZTE.
Ipinahayag ng tagapagsalitang Tsino ang pag-asang mahahawakan ng panig Amerikano ang isyu, batay sa batas, para makalikha ng pantay, makarungan at matatag na kapaligirang pambatas at pampatakaran para sa mga kompanyang dayuhan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio