Sa kabila ng pagtutol mula sa mga mangangalakal at dalubhasa, pumirma Huwebes, Marso 22, 2018 si Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos sa memorandum na maaaring mauwi sa pagpapataw ng 60 bilyong US dollar na taripa sa mga produktong Tsino.
Bunsod nito, naranasan ng tatlong pangunahing stock index ng Wall Street ang pinakamalaking pagbaba nitong anim na linggo.
Bilang tugon, ipinahayag ng Pasuguan ng Tsina sa Amerika at Ministri ng Komersyo ng Tsina ang kalungkutan at pagtutol sa nasabing aksyon ni Pangulong Trump. Inilahad nila ito bilang tipikal na unilateral na aksyon ng proteksyonismong pangkalakalan. Nakakapinsala anila ito hindi lamang sa kalakalang Sino-Amerikano, kundi sa pandaigdig na kalakalan.
Ang nabanggit na memorandum ay nababatay sa Section 301 investigation na inilunsad ng administrasyon ni Trump noong Agosto, 2017, hinggil sa mga gawa ng Tsina na may kinalaman sa kaparatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip at paglilipat ng teknolohiya.
Salin: Jade
Pulido: Mac