Beijing — Isiniwalat Huwebes, Arbil 19, 2018, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministring Komersyal ng Tsina, na sa kasalukuyan, hindi pa nagkaroon ng anumang bilateral na talastasan ang Tsina at Amerika tungkol sa Section 301 Investigation at pagpapataw ng Amerika ng karagdagang taripa sa mga produktong Tsino.
Kaugnay ng nagaganap na trade friction sa pagitan ng Tsina at Amerika, ipinagdiinan ni Gao na hinding hindi nagbabago ang determinasyon at kompiyansa ng panig Tsino sa pagtatanggol sa kapakanan ng bansa at mga mamamayan.
Dagdag pa niya, mahigpit na susubaybayan ng Tsina ang pag-unlad ng pangyayari, at handa itong magsagawa ng kinakailangang hakbagin sa anumang sandali upang mapangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga bahay-kalakal ng Tsina.
Salin: Li Feng