|
||||||||
|
||
Sumang-ayon sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Theresa May ng Britanya na ibayo pang pasulungin ang "ginintuang panahon" ng relasyon ng dalawang bansa.
Sa kanilang pag-uusap sa telepono Huwebes, Abril 19, 2018, nagkasundo sina Xi at May na magkaloob ng mas maraming pagkakataon para maiangat pa ang nasabing relasyon ng dalawang bansa, sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng koordinasyon sa mga macro-policy, pagpapanatili ng pagpapalitan sa mataas na antas at pagpapalitang institusyonal, pagpapasulong ng mga pragmatikong pagtutulungan sa ilalim ng magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative.
Narating ng dalawang lider ang komong palagay hinggil sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Britaniko sa Ginintuang Panahon nang dumalaw si May sa Tsina pagpasok ng taong ito. Nagtatampok ang nasabing relasyon sa pagiging mas estratehiko, pragmatiko, pandaigdig, at inklusibo.
Sumang-ayon din ang dalawang puno ng estado sa pagpapasulong ng malayang kalakalan at bukas na kabuhayan.
Pinag-usapan din nila ang hinggil sa krisis sa Syria.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |