Bangkok, Thailand—Ipinahayag ni Sontirat Sontijirawong, Ministro ng Komersyo ng Thailand na ang pagtatatag ng Tsina ng Hainan bilang pilot free trade zone ay angkop sa pangako ng Tsina hinggil sa ibayong pagbubukas sa labas. Makikinabang aniya sa pagbubukas ng Hainan ang Thailand at ibang mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa pagtitipon bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng Hainan Province at Hainan Special Economic Zone Abril 13, 2018, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na itatatag ang islang Hainan bilang pilot free trade zone. Kasabay nito, yugtu-yugtong itatakda ang mga patakaran at sistemang institusyon para itatag ang puwerto ng malayang kalakalan sa Hainan.
Idinagdag pa ng ministrong Thai na matagal at mahigpit ang ugnayan sa pagitan ng Hainan at Thailand, dahil maraming Chinese-Thai ang nanggaling sa Hainan.
Salin: Jade
Pulido: Mac