Sa kanyang talumpati sa pulong na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-13 ng Abril 2018, bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigang Hainan at Special Economic Zone sa lalawigang ito, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang desisyon hinggil sa pagtatayo ng Pilot Free Trade Zone at Free Trade Port sa Hainan. Ito aniya ay hakbangin ng pagpapasulong ng reporma at pagbubukas sa labas sa naturang lalawigan sa timog Tsina.
Ipinahayag din ni Pangulong Xi ang pagtatatag sa Hainan ng international trading place para sa enerhiya, transportasyong pandagat, mga pangunahing panindang pang-industriya, property right, stock right, carbon emission right, at iba pa. Mainit na tinatanggap ng Tsina ang pamumuhunan sa Hainan ng mga mamumuhunan ng buong daigdig, at pagtatrabaho o pagnenegosyo dito ng mga dayuhan.
Ang lalawigang Hainan, sa timog Tsina, ay naitatag noong 1988, at ito rin ang isang Special Economic Zone ng Tsina.
Salin: Liu Kai