SINABI ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mas mataas ang headline inflationsa unang tatlong buwan ng taon. Sa isang press briefing, sinabi ni Deputy Governor Diwa Guinigundo na tumaas sa 3.8 percent ang inflation sa unang tatlong buwan ng taong 2018 kung ihahambing sa nakamtan na 3.0 percent sa paggamit ng bagong 2012-based consumer price index series.
Kahit pa maatas, nanatili ito sa target range ng pamahalaan na 3.0 percent ± 1.0 percentage point para sa taong kasalukuyang. Nakikita ang inflation sa pagtaaas ng presyo ng ilang piling pagkain, inuming nakalalasing at sigarilyo.
Samantala, ayon sa 2006-based CPI, kung ihahambing ang inflation ngayon sa nakalipas na taon, nagkaroon ito ng 4.4 percent noong unang tatlong buwan ng 2018 mula sa 3.3 percent noong huling tatlong buwan ng 2017. Tumaas ang core inflation sa 4.3 percent mula sa 3.1 perecent. Ayon sa tatlong alternative measures ng core inflation ay nagpakita ng pagtaas noong nakalipas na tatlong buwan.
Ang inaasahan sa inflation ng mga ekonomista mula sa pribadong sektor ay nagpakita ng mean inflation forecasts sa 2018 at 2019 ay mas mataas kung ihahambing sa pagtataya noong nakalipas na Disyembre ng 2017. Kabilang sa kanilang kinikilalang dahilan ay ang pagpapatupad ng makabagong sistema ng pagbubuwis at ang posibleng second round effects, mas mataas na presyo ng petrolyo at paghihigpit ng pananalapi ng Estados Unidos.