|
||||||||
|
||
Sa isang nakasulat na pahayag na inilabas nitong Sabado, Abril 21, 2018, ni Roberto Azevêdo, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WTO), nanawagan siya sa iba't-ibang ekonomiya na sa pamamagitan ng WTO, palakasin ang kooperasyong pandaigdig upang mapahupa ang kasalukuyang maigting na situwasyong pangkalakalan.
Sinabi niya na napakahalaga ng kooperasyong pandaigdig para sa pagpapahupa ng maigting na situwasyong pangkalakalan at pagpapanatili ng malakas na paglaki ng kabuhayan. Aniya, puwedeng patingkarin ng WTO ang papel nito sa nasabing isyu.
Dagdag pa niya, kung masisira ang relasyong pangkalakalan sa pagitan ng mga pangunahing ekonomiya sa daigdig, grabe itong makakapinsala sa pag-ahon ng kabuhayan ng mundo. Banta rin ito sa kasalukuyang ekspansyon ng kabuhayang pandaigdig, aniya pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |