Ipinatalastas kahapon ng World Trade Organization (WTO) na isinaayos nito ang inaasahang target ng paglaki ng kalakalang pandaigdig sa taong 2015 sa 2.8%, noong Abril, itinakda nila ang numerong ito sa 3.3%. Samantala, isinaayos naman ng WTO ang inaasahang target para sa taong 2016 mula 4.0% sa 3.9%.
Ayon sa WTO, ang nasabing pagsasaayos ay batay sa pagsasa-alang-alang na nitong kalahating taong nakalipas, bumaba ang pangangailangan ng ilang pangunahing economya na kinabibilangan ng Tsina, Brazil at iba pang umuunlad na bansa at pagbaba ng presyo ng langis at malaking pagbabago sa exchange rate sa pamilihang pandaigdig.