Binuksan, Miyerkules, Abril 25, 2018 sa Singapore ang Ika-32 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at mga kaugnay na pulong, kung saan nakatakdang talakayin ng mga lider ng 10 bansang ASEAN ang hinggil sa pagpapasulong sa may-inobasyong pag-unlad, pagtatatag ng smart city network, pagpapalakas ng kooperasyon sa Internet security at iba pang paksa.
Kaugnay nito, mula sa ika-25 hanggang ika-27 ng Abril, idaraos ang mga nabanggit na kaugnay na pulong na kinabibilangan ng: Ika-17 Pulong ng ASEAN Political Security Community Council, at Ika-16 na Pulong ng ASEAN Economic Community Council.
Samantala, ang isang araw na Ika-32 ASEAN Summit ay bubuksan at ipipinid sa Sabado, ika-28 ng Abril 2018. Ito'y pangunguluhan ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, at lalahukan ng mga lider ng karamihan sa mga kasaping bansa ng ASEAN. Sa sidelines ng gaganaping summit, idaraos din ang Ika-16 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, at Ika-11 Summit ng Indonesia-Malaysia-Thailand Growth Triangle.
Salin: Vera