Sa idaraos na ika-30 ASEAN Summit mula ika-26 hanggang ika-29 ng buwang ito sa Manila, pabibilisin ng mga kalahok na bansa ang proseso ng integrasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang tema ng nasabing summit ay "Partnering for Change, Engaging the World." Bago buksan ang summit, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilang kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN sa taong 2017, ipauuna ng Pilipinas ang pagpapasulong ng integrasyong pangkabuhayan ng ASEAN. Umaasa aniya siyang maitatatag ang isang mas malakas na ASEAN.
Ipinahayag naman ni Enrique Manalo, Acting Secretary ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na bukod sa konstruksyon ng ASEAN Community, tatalakayin din sa nasabing summit ang hinggil sa konstruksyon ng integrasyon ng seguridad at pulitika, pagpapahigpit ng relasyon ng ASEAN, at ibang mga bansa at rehiyon, at pagpapanatili ng nukleong papel ng ASEAN sa mga suliraning panrehiyon.