Bilang bagong miyembro ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), sa kauna-unahang pagkakataong, lumahok ang India't Pakistan sa Pulong ng Konseho ng mga Ministrong Panlabas ng SCO na idinaos Martes, Abril 24, 2018, sa Beijing, Tsina.
Kaugnay ng prospek ng pag-unlad ng SCO na may bagong kasaping bansa, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kasalukuyan, ang walong-miyembrong SCO ay nagsisilbing rehiyonal na organisasyong may pinakamalaking populasyon at pinakamalawak na lupain. Mayroon din aniya itong napakalaking potensyal.
Kabilang sa mga miyembro ng SCO ay China, India, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Pakistan, Rusya, Tajikistan, at Uzbekistan. Ang katatapos na nabanggit na pulong ng mga ministrong panlabas ay nagsilbing paghahanda para sa SCO Summit na idaraos sa darating na Hunyo, sa Qingdao, lunsod sa dakong silangan ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Rhio