|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Sa katatapos na Ika-15 Pulong ng mga Ministrong Pandepensa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), ipinangako ng mga kalahok na kinatawan na ibayo pang pahigpitin ang pagtutulungang pandepensa at seguridad para magkakasamang kaharapin ang mga komong hamong panrehiyon at pandaigdig.
Lumahok sa nasabing pulong ang walong kasapi ng SCO na kinabibilangan ng China, India, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Pakistan, Rusya, Tajikistan, at Uzbekistan. Dumalo rin sa pulong ang kinatawan mula sa Belarus, bilang espesyal na panauhin.
Nangulo at bumigkas ng keynote speech si Wei Fenghe, Ministro ng Depensa ng Tsina.
Sinabi ni Wei na ang tema ng pulong ay Pagtatatag ng Community with Shared Future at Pagkakaroon ng Mapanlikhang Pagtutulungan para sa Komong Kaunlaran. Ito aniya ay tugma sa layon ng SCO at Shanghai Spirit na nagtatampok sa pagtitiwalaan, mutuwal na kapakinabangan, pagkakapantay-pantay, pagsasanggunian, respeto sa pagkakaiba-iba ng kultura, at komong kasaganaan.
Inilabas din ng mga kalahok na kinatawan ang Tala ng Pulong at Magkasanib na Komunike.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |