AABOT sa halos 8,000 mga pulis ang itinalaga mula ngayon upang magbantay sa ika-51 taunang pagpupulong ng Asian Development Bank Governors.
Gagamitin nila ang Major Event Security Framework sa pagsisimula ng taunang pulong sa ikalawa ng Mayo hanggang sa Linggo, ika-anim ng Mayo. May pinagsanib na tauhang aabot sa 8,500 katao mula sa law enforcement, local government, fire at medical emergency services.
Ayon kay Chief Supt. Ma. O Aplasca, ang security task force ang siyang maglilingkod sa simula hanggang wakas ng pulong.
Maliban sa mga gobernador ng Asian Development Bank at kanilang mga maybahay, may 3,000 mga delegado ang dadalo sa pulong. Tampok ang may 67 finance at economic planning ministers, international mediaat iba pang mga mangangalakal.