Magkahiwalay na nakipag-usap sa telepono nitong Sabado at Linggo, ika-28 at ika-29 ng Abril 2018, si Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, kina Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya at Punong Ministro Theresa May ng Britanya, hinggil sa mga isyu sa pagitan ng Europa at Amerika.
Ayon sa tagapagsalita ng pamahalaang Aleman, buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga lider ng tatlong bansa, na hindi dapat magsagawa ang Amerika ng mga hakbanging pangkalakalan laban sa Unyong Europeo (EU). Anila, dapat ipagtanggol ng EU ang sariling mga interes sa pamamagitan ng multilateral na sistemang pandaigdig.
Ipinalalagay din nilang, hindi dapat umurong ang Amerika mula sa kasunduan sa isyung nuklear ng Iran. Kinakailangan lamang anila ng kasunduang ito ang mga karagdagang nilalaman.
Salin: Liu Kai