|
||||||||
|
||
SINABI ng Malacanang na ang pagbabawal ng pagpapadala ng mga manggagawa sa Kuwait ay magpapatuloy pa hanggang hindi nalalagdaan ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdating mula sa Singapore na pang-habang panahon na ang pagbabawal ng pagpapadala ng mga manggagawa sa mayamang bansa.
Magpapatuloy ang pagbabawal ng pagpapadala ng manggagawa sa Kuwait sapagkat wala pang kasunduan upang maipagsanggalang ang mga manggagawang mula sa Pilipinas sa malulupit na mga amo sa Kuwait.
Aalis umano sina Secretary Silvestre Bello at mga opisyal patungo sa Kuwait sa darating na Lunes, ikapito ng Mayo upang kausapin ang kanilang counterpart.
Ipinaliwanag pa ni Secretary Roque na obligado rin ang mga Kuwaiti na ipagtanggol ang mga manggagawang mula sa Pilipinas samantalang nasa kanilang nasasakupan.
Hindi naman puwersahan ang pagpapauwi sa mga Filipino na nagtatrabaho sa Kuwait. Boluntaryo lamang umano ang pagsunod sa panawagan ng pangulo. Desisyon na umano ng mga karaniwang manggagawa kung uuwi ba sila o hindi.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs na mayroong 260,000 mga Filipino sa Kuwait.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |