Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mambabatas, humiling na huwag lapastanganin ang balikbayan boxes ng mga manggagawang Filipino

(GMT+08:00) 2015-08-24 17:52:42       CRI

BUREAU OF CUSTOMS, IMBESTIGAHAN!  Ito ang hiniling ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa isang resolusyon na ipinadala sa Senado kanina.  Nararapat umanong igalang ang privacy ng mga Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya.  Ayon kay Customs Commissioner Bert Lina, may mga sumusobrang OFW na ginagawang negosyo ang balikbayan boxes at higit na sa US$ 500 ang halaga ng ipinadadala sa Pilipinas.  (Contributed Photo/Sen. Santiago's Office)

HINILING ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa Senado na siyasatin ang Bureau of Customs sa balak nitong buksan at buwisan ang balikbayan boxes na ipinadadala ng mga manggagawang Filipino pauwi sa Pilipinas.

Ipinarating ni Senador Santiago ang Senate Resolution No. 1534 bilang tugon sa may 78,000 mga Filipino na nagpetisyon sa pamamagitan ng Change.org na pigilin ang balak na ito.

Ani Santiago, ang balikbayan boxes ay karaniwang paraan ng pribado at personal na komunikasyon sa pagitan ng migrant workers at ng kanilang pamilya sa Pilipinas. Wala na bang sagrado sa mga taga-Bureau of Customs? tanong ng mambabatas.

Natuligsa ang Bureau of Customs sa social media matapos lumabas ang balitang bubuksan ng Bureau of Customs ang balikbayan boxes sapagkat ginagamit umano ito sa pagpupusling ng mga paninda papasok sa bansa.

Sinabi ni Commissioner Lina na higit sa duty at tax-free shipments na nagkakahalaga ng US$ 500 limit sa bawat buwang pagpapadala sa bansa. Ninenegosyo na umano ng mga OFW ang balikbayan boxes.

Nanawagan si Senador Santiago na gamitin na lamang ang X-Ray machines at iba pang teknolohiya. Nakabili na ang ahensya oong 2006 sapagkat mayroon nang 30 x-ray machines sa mga daungan at noon g 2013, ang mga contractors ang maglalaan ng 20 x-ray machines para sa airports.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>