Bilang pagdiriwang sa "Araw ng Kabataan ng Tsina" at ika-120 anibersaryo ng pagkakatatag ng Peking University, naglakabay-suri Mayo 2, 2018 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa naturang unibersidad.
Sa kayang talumpati, sinabi ni Xi na nasa balikat ng mga kabataan ang responsibilidad ng pagsisikap para sa pag-ahon at kasaganaan ng bansa. Aniya, ang pag-unlad ng malakas, makabago at sosyalistang bansa, na may katangiang Tsino ay isang pangmatagalang misyon, at kailangang patuloy na magsikap ang mga Tsino, sa ngayon at susunod na henerasyon. Dapat puspusang hubugin ng mga pamantasan ang mga kabataan para sa bansa, at dapat ding itayo ang mga primera klaseng pamantasan sa daigdig, dagdag ni Xi.
salin:Lele