Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

KAISA at PKU Philippine Studies, pag-i-ibayuhin ang pagpapasulong ng pagpapalitan at pag-uunawaan ng Tsina at Pilipinas

(GMT+08:00) 2017-09-20 16:29:55       CRI
Kapuwa ipinahayag ng KAISA Para sa Kaunlaran, kilalang samahan ng mga Tsinoy ng Pilipinas at Peking University (PKU) Philippine Studies Program ng Tsina ang kahandaan na ibayo pang magtulungan para mapahigpit ang pagpapalitan at pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Bumisita sa PKU Philippine Studies Program ang delegasyon ng KAISA noong Setyembre 14, 2017. Isinalaysay ni Dr. Shi Yang, PhD, Direktor ng Philippine Studies Program ang kasaysayan ng pag-unlad ng programa at mga kurso nito. Nilagom din niya ang pagpapalitan at pagtutulungan ng KAISA at Philippine Studies Program nitong halos 20 taong nakalipas sapul nang itatag ang ugnayan ng dalawang panig.

Group photo ng delegasyon ng KAISA, kasama ng mga guro at estudyante ng PKU Philippine Studies Program 

Si Dr. Shi Yang (nakatayo), PhD, Direktor ng Philippine Studies Program, habang naglalahad

Sinabi naman ni Michael Guzman, Pangalawang Presidente ng KAISA, na bilang samahan ng mga Tsinoy, isa sa mga misyon ng kanyang organisasyon ay pasulungin ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas. Nakahanda aniya ang KAISA na palalimin ang pakikipagtulungan sa PKU Philippine Studies Program para mapahigpit ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Si Michael Guzman (unang hanay sa gitna), Pangalawang Presidente ng KAISA habang naglalahad

Inabuloy rin ng KAISA ang mga libro sa PKU. Sa ngalan ng PKU, tinanggap ni Dr. Wu Jiewei, PhD, Pangalawang Dean ng PKU School of Foreign Languages ang mga libro.

Sina Michael Guzman (ika-5 sa kanan), Pangalawang Presidente ng KAISA at Dr. Wu Jiewei (ika-3 sa kaliwa), PhD, Pangalawang Dean ng PKU School of Foreign Languages sa seremonya ng donasyon ng libro ng KAISA para sa PKU

Samantala, ipinakilala rin ng mga undergraduate at postgraduate ng Philippines Studies Program ang kanilang sarili, sa pamamagitan ng wikang Filipino.

Naglakbay rin ang delegasyon sa magandang kampus ng PKU.

Group photos ng delegasyon ng KAISA sa biyahe sa PKU campus

Inihandog ng Philippine Studies Program ang bangketeng panalubong para sa delegasyon kung saan sumali si Embahador Jose Santiago L. Sta. Romana ng Pilipinas sa Tsina.

Hinikayat ni Embahador Sta. Romana ang mga estudyante ng Philippine Studies Program na magpakadalubhasa sa mga gawaing akademiko para makapag-ambag sa pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas.

Si Embahador Jose Santiago L. Sta. Romana (naka-upo sa gitna), kasama ng mga guro at estudyante ng Philippine Studies Program

Ulat: Xu Yang
Larawan: Yin Ziyou
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>