|
||||||||
|
||
SINABI ni G. Takehiko Nakao, pangulo ng Asian Development Bank, na kailangang suportahan ang kita ng mga mamamayan sa rehiyon. Sa press conference na idinaos sa punong tanggapan ng ADB sa silangang bahagi ng Metro Manila, sinabi ni G. Nakao na pinag-usapan na nila ang mga paraan upang magkaroon ng mas maraming hanapbuhay.
Kahit pa mayroong automation at artificial intelligence na magagamit ng mga pamahalaan at mga kumpanya, hindi ito magaganap sapagkat napakamahal ng mga ito.
PAGLALAAN NG PAGSASANAY SA MGA MAMAMAYAN, MAHALAGA. Sinabi ni ADB President Takehiko Nakao na kailangang tulungan ang mga mamamayan na posibleng maapektuhan ng pagbabago sa teknolohiya. Ito ang isa sa kanyang pahayag sa idinaos na press briefing kanina. (ADB Photo)
Kailangang suportahan ang mga mamamayan sapagkat posibleng mawalan sila ng trabaho kung hindi sila magkakaroon ng angkop na pagsasanay upang makatugon sa pangangailangan ng panahon at pamilihan.
Sa pagkakaroon ng makabagong teknolohiya, higit na lumalaki ang agwat sa lipunan. Kailangang magkaroon ng progresibong kalakaran sa pagbubuwis.
Nagsimula ang ika-51 taunang pagpupulong ng mga opisyal ng Asian Development Bank kanina at magtatapos sa darating na Sabado, ika-lima ng Mayo. Higit sa 4,000 mga panauhin ang inaasahang makjadadalo sa maraming okasyon at pagpupulong sa paligid ng Asian Development Bank general headquarters.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |