|
||||||||
|
||
Ayon sa ASEAN+3 Regional Economic (AREO) na ipinalabas Huwebes, Mayo 3, 2018, ng ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO), tinatayang aabot sa 5.4% ang paglaki ng kabuhayan ng Silangang Asya sa taong 2018.
Sa sidelines ng taunang pulong ng Asian Development Bank (ADB), isinalaysay ni Dr. Hoe Ee Khor, punong ekonomista ng AMRO ang pangunahing nilalaman ng nasabing ulat.
Anang ulat, bunga ng malakas na pangangailangang panloob, paglaki ng pagluluwas, at matatag na inflation, mananatiling masigla ang pag-unlad ng kabuhayan ng Silangang Asya sa taong 2018.
Ipinalalagay naman ni Diwa Guiniundo, Pangalawang Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na mababasa sa nasabing ulat ang masinop na pagtaya at analisa hinggil sa kabuhayan ng rehiyon. Makabuluhan aniya ito para sa mga pamahalaan ng rehiyon sa pagbalangkas ng patakaran at hakbang.
Ang AMRO ay multilateral na organisasyon na binubuo ng mga ministri ng pinansya at bangko sentral ng sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, at Timog Korea (ROK). Nakabase ito sa Singapore.
Ulat: Ernest
Larawan: Sissi
Salin/Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |