|
||||||||
|
||
ANG tagumpay na nakamtan ng ASEAN + 3 ay mula sa globalization. Ito ang sinabi ni Governor Nestor A. Espenilla, Jr. sa kanyang talumpati sa BSP-AMRO Seminar na idinaos kasabay ng pagpupulong ng mga namumuno sa Asian Development Bank.
Naniniwala umano siya sa kahalagahan ng regional integration upang makamtan ang pangrehiyong mithiin. Nakatulong ang pagsasama-sama sa pagpapaunlad ng buyong rehiyon, dagdag pa niya.
Ang ASEAN at Tsina, Japan at Korea ang naka-ambag ng higit sa ikaapat na bahagi ng pandaigdigang gross domestic product at sa pagsasama-sama ng katayuan ng rehiyon, kinilala ang ASEAN + 3 na pinakamayamang ekonomiya noong 2016.
Kailangan lamang makatugon ang rehiyon sa mga hamong dala ng pagbabago tulad ng makabagong teknolohiya, pagtataas ng productivity at pagsusulong na market integration sa ASEAN + 3 economies.
PAGTUGON SA HAMON NG DAIGDIG, KAILANGAN. Sinabi ni Bangko Sentral Governor Nestor A. Espenilla, Jr. na kailangang tumugon ang mga bansa at mga pamahalaan sa hamon ng panahon. Sa tamang tugon, maiibsan ang panganib na mabawasan ang kaunlaran sa rehiyon. (Melo M. Acuna)
Ang naganap na kaunlaran sa Pilipinas ang sumasalamin sa kaunlarang nakamtan ng rehiyon, dagdag pa ni Governor Espenilla. Sa pagkakaroon ng matatag na ekonomiya, napanatili ang mababa at matatag ring inflation.
Higit umanong uunlad ang rehiyon sa hinaharap sa pagkakaroon ng inaasahang kaunlarang mula 7.0 hanggang 8.0 percent sa medium term.
Ang mga hamong hinaharap ng rehiyon ay ang pagbabago sa pandaigdigang ekonomiya, madaliang pagdagsa ng mga mamamayan sa mga lungsod, kakaibang klima at ang pagkakaroon ng tinaguriang inward-looking policies.
Kailangang magkaroon ng maayos na tugon ang rehiyon at mga bansa upang mahigitan ang inaasahang kaunlaran, pagtatapos ni Governor Espenilla.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |