Ipinahayag Linggo, Mayo 6, 2018, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Minstring Panlabas ng Tsina, na sa pag-uusap sa telepono nina Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, at nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa isyu ng Korean Peninsula.
Ani Geng, inilahad ni Yang ang prinsipyo at paninindigan ng panig Tsino. Ipinagdiin aniya ng panig Tsino ang pagsasakatuparan ng pagkakaroon ng ligtas sa sandatang nuklear sa Korean Peninsula. Buong tatag aniyang pinangangalagaan ng Tsina ang kapayapaan at katatagan sa peninsulang naturan, at iginigiit ang paglutas sa isyung ito sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Salin: Li Feng