Dumadalaw sa Tsina mula ika-3 hanggang ika-4 ng Mayo ang delegasyong Amerikanong pinamumunuan ni Steven Mnuchin, Espesyal na Sugo ng Pangulo ng Amerika at Kalihim ng Tesorerya ng bansa. Makikipagpalitan ng mga palagay si Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista at Pangalawang Premyer ng Tsina sa delegasyong Amerikano. Tungkol dito, ipinahayag Mayo 2, 2018, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang maayos na paglutas ng mga pagkakaiba sa pamamagitan ng pagsasangguian ay angkop sa komong interes ng dalawang bansa, at nakakabuti rin sa pag-ahon at katatagan ng kabuhayang pandaigdig.
Ani Hua, hindi puwedeng malutas ang lahat ng mga isyu sa pamamagitan ng isang beses ng pangsasanggunian, pero, kung may pakikitungo ng paggalangan, pagkakapantay-pantay, at mutuwal na kapakinabangan, ang pagsasanggunian ay konstruktibo.
salin:Lele