Mula ika-3 hanggang ika-4 ng Mayo, 2018, isang matapat, mabisa at konstruktibong pagtalakay tungkol sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ang ginanap sa pagitan ni Liu He, Pangalawang Premyer Tsino, at ng delegasyong Amerikano na pinamumunuan ni Steven Mnuchin, Espesyal na Sugo ng Pangulong Amerikano at Kalihim ng Tesorarya.
Kapuwa ipinalalagay ng magkabilang panig na mahalagang mahalaga para sa dalawang bansa ang pagpapaunlad ng malusog at matatag na relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika, at nagpupunyagi sila sa paglutas sa mga kaukulang isyung pangkabuhaya't pangkalakalan, sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Lubos na nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig sa mga isyung gaya ng pagpapalawak ng pagluluwas ng Amerika sa Tsina, bilateral na kalakalang panserbisyo, bi-directional investment, pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip o IPR, paglutas sa tariff at non-tariff measures at iba pang isyu, at nagkaisa ng palagay sa ilang larangan.
Sinang-ayunan din nilang patuloy na panatilihin ang mahigpit na pag-uugnayan sa mga kaukulang isyu, at itatag ang katugong mekanismo ng gawain.
Salin: Vera