Jakarta, Indonesia — Idinaos mula Disyembre 14 hanggang 15, 2017, ang Ika-10 Pulong ng Komisyong Panteknolohiya ng Kooperasyong Pandagat ng Tsina at Indonesia. Layon nitong isakatuparan ang pagkakasundong narating ng mga lider ng dalawang bansa sa Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation, at ibayo pang pasulungin ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa dagat.
Ipinalalagay ng mga kalahok na bilang marine power sa rehiyong ito, may mahalagang katuturan ang pagpapalakas ng Tsina at Indonesia ng kanilang pragmatikong kooperasyon sa dagat. Sinang-ayunan sa pulong ng mga kalahok na sa pundasyon ng pagpapanatili ng diyalogo at kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng seguridad sa dagat, seguridad sa paglalayag, siyentipikong pag-aaral sa dagat, at pangangalaga sa kapaligiran, ibayo pang mapapalakas ang kanilang kooperasyon sa mga larangang tulad ng kabuhayang pandagat, paggagalugad sa yamang-dagat, at konstruksyon ng imprastruktura sa dagat. Ito anila ay para walang humpay na payamanin ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng