|
||||||||
|
||
Yogyakarta, Indonesia — Idinaos Martes, Nobyembre 28, 2017, ang Ika-14 na Pandaigdigang Pulong ng Populasyon at Kaunlaran sa Antas na Ministeryal. Dumalo rito ang mahigit 250 kinatawan mula sa mahigit 30 bansa at kaukulang organisasyong pandaigdig. Bumigkas naman ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas si Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina.
Ang tema ng nasabing pulong ay "Sustenableng Lunsod, Paglipat ng Populasyon at Pandaigdigang Imigrasyon: mga Opinyon at Hakbang ng mga South-South Countries." Ipinakikita nito ang komong pagkabahala ng mga umuunlad na bansa sa isyu ng populasyon.
Malalimang tatalakayin ng mga kalahok ang mga paksang gaya ng "Kalusugan ng Kababaihan at Kabataan sa Kalagayan ng Lunsod," "Paglagay sa Isyu ng Populasyon sa Pagpaplano ng Pag-unlad ng Lunsod," at "Pagpapasulong ng Malusog na Pagtanda sa Lunsod."
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |