Nakatakdang dumalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa ika-7 Summit ng Tsina, Hapon at Timog Korea at dadalaw siya sa Hapon, mula ika-8 hanggang ika-11 ng buwang ito.
Kaugnay nito, sa isang artikulo na inilathala kamakailan ni Cheng Yonghua, Embahador ng Tsina sa Hapon, nanawagan siya para sa ibayong pagpapabuti at pagpapasulong ng relasyong Sino-Hapones.
Ang biyaheng ito ay may mahalagang katuturan sa ibayong pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones, pagpapalalim ng pagtutulungan ng tatlong bansa, at pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyong Asya-Pasipiko, dagdag ng artikulo.
Anang artikulo, ito ang unang pagdalaw ng premyer Tsino sa Hapon sa nakalipas na 8 taon. Anito pa, ito rin ang unang summit ng nasabing tatlong bansa sa nakalipas na 2 at kalahating taon.