Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing, Nobyembre 21, 2017 sa delegasyong pangkabuhayan ng Hapon, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang pinalakas na pagtitiwalaan ay nagsisilbing susi sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones, at ang pagpapalitang di-pampamahalaan naman ay pundasyon ng usaping ito. Umaasa aniya siyang pahahalagahan at patitibayin ng dalawang panig ang bumubuting tunguhin ng relasyong Sino-Hapones. Ito ay para pasulungin ang pagtahak ng bilateral na relasyon sa tumpak na landas, at para maisakatuparan ang matatag na pag-unlad ng dalawang panig, aniya pa.
Umaasa ang Premyer Tsino na bilang mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng pagtutulungang pangkabuhayan ng Tsina at Hapon, gagawa ng konstruktibong papel ang sektor na pangkabuhayan ng Hapon para pasulungin ang relasyong Sino-Hapones. Samantala, umaasa rin aniya siyang magkasamang magsisikap ang dalawang bansa para pasulungin ang globalisasyong pangkabuhayan, at pabilisin ang talastasan hinggil sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina, Hapon, at Timog Korea, at Regional Comprehensive Economic Partnership.
Ang nasabing delegasyon ay binubuo ng mga miyembro mula sa Japan Business Federation, Japan-China Association on Economy, at Japan Chamber of Commerce and Industry.