Jakarta, Indonesia—Ipinangako ng Tsina at Indonesia na bilang dalawang umuunlad na bansa na may nakaparaming populasyon, napakalawak na teritoryo, at napakalaking potensyal, kailangan nilang ibayo pang pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa kabuhaya't kalakalan, kultura, edukasyon, karagatan.
Sina Premyer Li Keqiang (kanan) ng Tsina at Pangalawang Pangulong Jusuf Kalla (kaliwa) ng Indonesia
Ang nasabing pangako ay ginawa nina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangalawang Pangulong Jusuf Kalla ng Indonesia, sa kanilang pagtatagpo kagabi, Lunes ng gabi, Mayo 7, 2018.
Ngayong taon ay ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina't Indonesia. Sumang-ayon ang dalawang lider na ngayon ang pinakamainam na panahon ng relasyon ng Tsina't Indonesia. Nakahanda anila ang dalawang bansa na samantalahin ang pagkakataong ito para maiangat ang ugnayang Sino-Indones.
Salin: Jade
Pulido: Rhio