|
||||||||
|
||
Sa okasyon ng ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina't Indonesia na natatapat ngayong taon, sumang-ayon ang dalawang bansa na ibayo pang pasusulungin ang kanilang relasyon sa ilalim ng tatlong "pillar." Ang tatlong "pillar" ay tumutukoy sa mga pagtutulungan sa ilalim ng relasyong bilateral, relasyong panrehiyon at relasyong pandaigdig.
Ang nasabing pagkakasundo ang narating ng dalawang bansa sa katatapos na biyahe sa Indonesia ni Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Sumang-ayon ang dalawang bansa na pirmahan ang Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa Pagtutulungan sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) at Global Maritime Fulcrum, at itakda ang mga serye ng proyekto batay rito.
Nakahanda ang Tsina na angkatin ang mas maraming produktong Indones na gaya ng palm oil, langis, natural gas, goma, kape, bird's nest, at prutas. Nagkasundo ang dalawang bansa na pasulungin ang cross-border e-commerce, at pagbigkisin ang kooperasyon ng maliliit at katamtamang-laking bahay-kalakal (SMEs). Magsisikap din ang dalawang bansa para mas maraming turistang Tsino ang maglakbay sa Indonesia.
Ipinahayad din ni Premyer Li ang kahandaan ng Tsina na tulungan ang Indonesia sa pagpapaunlad ng imprastruktura. Aniya, ang Jakarta-Bandung High-speed Railway ay kahanga-hangang halimbawa ng kooperasyong pang-imprastruktura ng dalawang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |